Add parallel Print Page Options

10 At si Azarias na punong saserdote sa (A)bahay ni Sadoc, ay sumagot sa kaniya, at nagsabi, Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon, kami ay nagsikain at nangabusog kami, at lumabis ng sagana sapagka't pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito.

Batas tungkol sa handog at ikasangpung bahagi.

11 Nang magkagayo'y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga (B)silid sa bahay ng Panginoon; at inihanda nila.

12 At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi, at ng mga itinalagang bagay, na may pagtatapat. At sa mga yaon (C)ay katiwala si Chonanias na Levita, at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa.

Read full chapter